Martes, Mayo 3, 2011

Hindi ko maiwasan alalahanin :(


FIRST PICTURE EVER!
since the day we first met January 5, 2011 Wednesday.
tandang tanda ko pa no? mahirap naman kasi kalimutan eh. napakasaya ko ng mga araw na yan, pinasaya niya ko ng sobra. hanggang sa mga sumunod na araw na lagi kami magkasama, sumaya nako. alam mo yung nagkaroon ng kulay yung buhay mo dahil sknya, naging inspired ka sa lahat ng bagay, dahil sa isang taong naging source ng kasiyahan mo?
naalala ko pa nung time na nasa luneta kami gabi yun, humiga kami sa damuhan, magkahawak ang kamay sabay na nakakita ng shooting star, tumingin kami sa isat isa na nag wish parehong wish na walang iwanan sa aming dalawa. na dapat kahit may mga gusot na dumating, maayos at makakaya pa din namin. pero nawala yun dahil lang sa hindi siya makaunawa sa paliwanag ko, dahil sa maling akala, nawala kami sa isat isa. marami kaming mga memories ni pol sa isat isa. super naging happy talaga ko sknya. sa tuwing kakaen kami sa mang inasal. masaya ako kasi hindi napapa gastos, haha. yung nagpunta kami ng Robinson galleria, binilhan niya ko ng maraming ferrero, na hanngang ngayon nakatago pa din ang mga balat. binilhan niya ko ng t-shirt. ang dami talagang memorable namin yan ni pol, sarap balik-balikan, pero hanngang dun nalang. salamat nga pala dun sa nagpapasaya sakin. pasalamat ka special mention kapa. HAHAHA

Goodnight!

So THIS!!

2011 NCRD summer youth camp, was extremely fun!
masayang youth camp for me, most memorable camp ever, first time ko kas ag back-up sa isang malaking gawain, sa church lang kasi ako usually nag baback-up, mjo nahihiya pa kasi ako. pero talaga, pinangarap ko din kasi minsan mag back up sa isang malaking gawain for GOD's GLORY!

here some pictures during our camp!




bago mag orientation picture picture muna kami, ang aga kasi namin haha last year ganun din kami kaaga, natutuwa pa ako nung nagsalita na si ptr. mario (NCRD youth president) na aawit muna daw ng joyful songs tapos eh nasa may bandang unahan kami, nag hanap sya ng PK (Preachers Kids) na pwedeng mag songlead tapos yung mga ka churchmate nmin hahaha, sinisigaw pangalan niya, sobrang todo tanggi si ate eh, laftrip nalang eh.




eto naman during parada after ng Orientation, "March for Jesus"  masaya naman siya, awitan habang naglalakad, tapos yung iba namimigay ng tracks.


first night! was Awesome! God poured out His holy presence. masarap talaga damhin ang presensya ni God almost 400+ ang naka receive ng holy ghost. although maraming nahimatay, that's all right! blessing naman.


sa dorm namin, pasensya na huh? magulo dorm namin, hahaha. busy kasi mga tao jan eh may kanya knyang games at participation sa nasabing gawain. kaya yun no time para ayusin ang mga nagkalat na bag. hehehe, tuesday morning pala yan.





During sports! HAHA, halos mapaos kami kaka cheer sa mga boys namin, nung first and secong game panalo eh, then nung pagka semi finals na talo kami sa franville eh. harasan daw ang laban. okay lang atleast we participated. masaya pa rin naman. pinaka masayang laro at cheer yung sa pinalad church eh. pausan talaga sa boses eh. hahahaha


wala ako niyan, iba kasi lecture ko eh.


after ng lecture ko sa mga PK's diretso agad ako sa oval kasi dun daw kami kakain, magtatanghalian. then, nakita namin tong 2 amerikano(Kasama ni gentry) picture picture kami, tapos ayun, kaya pala gusto nila ng wacky eh kasi bubuhusan kami ng tubig! hahahahahaha, basang basa talaga ako niya kasi nga naman sakin lahat napunta yung isang bote ng tubig.


With micah and my Future? LOLS!
did I say future? well, nevermind! tska nako mag kukwento.


Last night? Hmm :( so lungkot natapos ang youth camp na hindi ako kuntento. hahaha, well, okay lang! bakit hindi nga ba kuntento? anong dahilan? secret! 



Ako yung nag shoot niyan eh, sayang wala ako. pero masaya pa din ako, ang saya talaga ng youth camp this year, masaya naman yung mga previous youth camp eh. kaya lang iba ngayon eh. hahaha. To God be the glory talaga, kasi ang daming naka receive ng Holy ghost! God is Good talaga. salamat sa napakasayang Youth camp this year.


You and I Collide.
maganda kasi yung message ng kanta niya. pang kasal, hindi ko rin makakalimutan tong kntang tong dahil kinanta to sakin ng special someone ko. Sweet kasi! ang gwapo pa ni howie day :)

Now Reading: The guardian


Julie barenson’s young husband left her two unexpected gifts before he died- a great dane puppy named singer and the promise that he would always be watching over her. Now, four years have passed. still living in the small town of Swansboro, north carolina, twenty-nine-year-old julie is emotionally ready to make a commitment to someone again. but who? should it be Richard Franklin, the handsome, sophisticated engineer who treats her like a queen? or Mike Harris, the down-to-earth nice gut who was her husband’s bestfriend? choosing one of them should bring her more happiness than she’s had in years. Instead, Julie is soon fighting for her life in a nightmare spawned by a chilling deception and jealousy so poisonous that is has become a murderous desire.

diko ko pa siya tapos basahin, nasa chapter 13 nako. medyo maganda siya, wala pa ko dun sa plot ng story, sana matapos ko. hehe

ang sakit ng break up, pero kakayanin ko.


Siguro siya nga. maaari kasi nabaliw talaga ako sknya, ilang beses kami nag break netong si pol pero at the end nagkakabalikan pa rin kame, pero ngayon talaga hindi na siguro msyado nakong nagpaka tanga sknya eh, ayoko ng masaktan pa ulit ng dahil lang sa mahal ko siya, mawawala din naman yun eh, kung baga parang gutom lang yan eh, lilipas at lilipas din yan. pero what if? na makipag balikan siya? gamitin niya na naman yung mga karisma niya? nako. hindi nako papa daig, ang hirap kaya masaktan, pag bibigyan mo tas ganun-ganun na naman ulit? wag nalang. mas mabuti pang maranasan ko muna maging single. para naman maalagaan ko sarili ko, mag fofocus muna ko sa pag-aaral ngayon, ayoko muna ng lovelife. hindi ko to sinasabi dahil bitter ako, ayoko matali kasi sa isang wala namang kwentang pag-ibig. pero minsan alam niyo? diko maiwasan ang isipin ang mga sweet and Good memories namin ni pol.

masaya kasi talaga ako sa tuwing magkasama kami, hindi ako nalulungkot. siya kasi yung naging bf ko na nakakaunawa sa pagiging mood swing ko, although siguro ngayon hindi niya nauunawaan yung naramdaman ko nung mga sinabi niya sakin kanina na ayaw niya na. ang sakit kaya, alam niyo kahit for months palang kami ni pol. masaya ako sa feeling niya, unlike dun sa 2 kong ex na matagal kami eh, masaya nga pero iba talaga yung kasayahan ko kay pol. pero kailangan ko na mag move-on. masasaktan at masasaktan lang ako, pag hindi ko ginawa yun.