Martes, Mayo 3, 2011

ang sakit ng break up, pero kakayanin ko.


Siguro siya nga. maaari kasi nabaliw talaga ako sknya, ilang beses kami nag break netong si pol pero at the end nagkakabalikan pa rin kame, pero ngayon talaga hindi na siguro msyado nakong nagpaka tanga sknya eh, ayoko ng masaktan pa ulit ng dahil lang sa mahal ko siya, mawawala din naman yun eh, kung baga parang gutom lang yan eh, lilipas at lilipas din yan. pero what if? na makipag balikan siya? gamitin niya na naman yung mga karisma niya? nako. hindi nako papa daig, ang hirap kaya masaktan, pag bibigyan mo tas ganun-ganun na naman ulit? wag nalang. mas mabuti pang maranasan ko muna maging single. para naman maalagaan ko sarili ko, mag fofocus muna ko sa pag-aaral ngayon, ayoko muna ng lovelife. hindi ko to sinasabi dahil bitter ako, ayoko matali kasi sa isang wala namang kwentang pag-ibig. pero minsan alam niyo? diko maiwasan ang isipin ang mga sweet and Good memories namin ni pol.

masaya kasi talaga ako sa tuwing magkasama kami, hindi ako nalulungkot. siya kasi yung naging bf ko na nakakaunawa sa pagiging mood swing ko, although siguro ngayon hindi niya nauunawaan yung naramdaman ko nung mga sinabi niya sakin kanina na ayaw niya na. ang sakit kaya, alam niyo kahit for months palang kami ni pol. masaya ako sa feeling niya, unlike dun sa 2 kong ex na matagal kami eh, masaya nga pero iba talaga yung kasayahan ko kay pol. pero kailangan ko na mag move-on. masasaktan at masasaktan lang ako, pag hindi ko ginawa yun.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento