Martes, Mayo 3, 2011

Hindi ko maiwasan alalahanin :(


FIRST PICTURE EVER!
since the day we first met January 5, 2011 Wednesday.
tandang tanda ko pa no? mahirap naman kasi kalimutan eh. napakasaya ko ng mga araw na yan, pinasaya niya ko ng sobra. hanggang sa mga sumunod na araw na lagi kami magkasama, sumaya nako. alam mo yung nagkaroon ng kulay yung buhay mo dahil sknya, naging inspired ka sa lahat ng bagay, dahil sa isang taong naging source ng kasiyahan mo?
naalala ko pa nung time na nasa luneta kami gabi yun, humiga kami sa damuhan, magkahawak ang kamay sabay na nakakita ng shooting star, tumingin kami sa isat isa na nag wish parehong wish na walang iwanan sa aming dalawa. na dapat kahit may mga gusot na dumating, maayos at makakaya pa din namin. pero nawala yun dahil lang sa hindi siya makaunawa sa paliwanag ko, dahil sa maling akala, nawala kami sa isat isa. marami kaming mga memories ni pol sa isat isa. super naging happy talaga ko sknya. sa tuwing kakaen kami sa mang inasal. masaya ako kasi hindi napapa gastos, haha. yung nagpunta kami ng Robinson galleria, binilhan niya ko ng maraming ferrero, na hanngang ngayon nakatago pa din ang mga balat. binilhan niya ko ng t-shirt. ang dami talagang memorable namin yan ni pol, sarap balik-balikan, pero hanngang dun nalang. salamat nga pala dun sa nagpapasaya sakin. pasalamat ka special mention kapa. HAHAHA

Goodnight!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento